Saturday, May 19, 2007

Pakikipamuhay, paghubog



Sa ilog kung saan may daanang gawa sa tubo.Malalim ito.Hindi ako naligo hindi dahil takot ako sa tubig kundi dahil may sakit ako ng araw na iyon. (every other day kasi ako mgkasakit)Si Leska ay magaling magfloat sa tulong ng dalawang gallon.Go Leska.Si Mike ay magaling magdive at si Diana ay magaling lumangoy.






Papunta sa Gulud, ang lugar kung saan nagpupulong ang mga magsasaka.Isa itong kuweba na may limang kwarto.Pagkatapos ng pag-akyat namin una akong inatake ng sakit.Malas.





Ang tulay na singnipis ng kawad. Sira-sira kasi ang kahoy nito kaya ang aapakan mo lang ay iyong kawad nito. Hindi dapat ako tatawid dahil takot ako pero dahil may lasing sa daanang sako sa ibaba nito, napilitan akong tumawid. Takot ako sobra sa mga lasing.




Pagbabayo ng palay (hindi bigas..oops).





Pagbaba ng Gulud. Magtatakipsilim na ng mga panahong ito.




Si Nanay habang nagbabayo. Ang tawag sa kanyang hawak ay halo. Nilalagyan ng kaunting dayami ang binabayong palay para hindi ito tumapon.