Mula sa aming pakikipamuhay, madami akong mga aral na napulot.Narito ang ilan sa aking mga naitala na mga malalaman na mga pahayag sa aming mga nakasalamuha.
"Ang tamang paggalaw ay ang hindi pagkilos." (depende sa konteksto)
"Dapat dikit sa bituka ang lapit sa mga mamamayan."
"Tanghali na, gising na, alas-sais na.. (ng umaga).."
"Kapag pinangunahan na ng emosyon, masisira ang gawain."
"Habang dumarami ang trabaho mo, lalong kinakailangan mong mag-aral."
"Ang pagkilos ay patigasan din ng dibdib hanggang sa hangganan ng kalungkutan."
"Napakasarap matutong lumangoy dahil mas malaki ang lupa kaysa sa tubig."
"Hindi nagugutom ang mga katutubo dahil magbuklat ka lang ng bato, may makakain na sila."
"Huwag kayong magpasalamat (sa pagkaing aking binigay) dahil ang pagkain ay para sa lahat."
Nakakatuwang isipin na sa simpleng mga pahayag ng mga nakasalamuha namin, maraming aral kaming natutunan mula sa kanila.