Tunggalian- -
Nagtutunggali
ang araw at ang buwan para sa espasyo sa langit.
Nagtutunggali
ang dalawang langgam para sa isang butil ng asukal
Nagtutunggali ang mga baktirya at antibodies
Nagtutunggali ang mga buwaya at baboy
Ang mga matatangkad at ang binansot
Ang mga pangit at maganda
Ang mahina at ang malakas
Ang mataba at ang payat
Ang uhugin at ang uugod-ugod
Ang liwanag at dilim
Ang isip at puso
Ang intelektwal at ang nawalan ng isip
Ang salapi at ang maso
Ang kumbensyonal at ang makabago
Ang panginoon at ang karit
Ang haligi at ilaw
Ang pula at dilaw
Ang pula at asul
Ang pluma at armas
Ang kamao at katahimikan
Ang pagkibit at ang pagkilos
Ang gusto at di-dapat.
Nagtutunggali
ang panloob at panlabas.
Ang loob at labas,
Ang loob at loob muli,
At sa labas laban muli sa sarili.
Nagtutunggali
Ang langit at lupa
Ang langit at langit
At ang lupa at lupa.